Isang tulang hango sa liham ni
Gat Jose Rizal na :
Liham sa mga
kababaihan ng Malolos
Kalayaan
Paggalang, pagsamba at
pagmamahal ang mga turo na niya,
Bago pa dumating ang mga
Kastila.
Ngunit ng sila’y umapak na, sa
lupang malaya.
Pagluhod,pagrosaryo,pagnobena
at pagsunod sa kura.
Iyan ang tanging nararapat
gawin nang isang Pilipina.
Ang ina ang tanglaw ng tahanan
di ba?
Ngunit paano maiilawan kung
tuyo na ang lampara?
Paano liliwanag ang sinag ng
araw sa isang umaga?.
Kung ang ehemplo ay nakagapos
at walang laya?
Nakatali ,nakaipit sa
kasanayang itinakda nila.
Hindi makasigaw at makatayo
sariling paa.
Kaya’t sa araw na ito’y dapat
magdiwang,
Dahil dumating na ang bukang
liwayway.
Ang mariki’t na bulaklak sa
parang,
Na akala’y hindi na masisikatan ng araw ay,
Sumisibol,lumalago at humuhubog
ng kinabukasan.
Ang dating sumusunod sa agos ng
batis;
Ang talulut ay matayog ,hindi
lang puro tamis .
Silang mga dating simpleng ilaw
,
Ngayo’y humuhubog ng pag-asa ng
bayan.
Hindi lang babaeng mahinhin at
maganda;
Bagkos ay isang matapang,
matiyaga,at tunay na Pilipina.
* This was my assignment in one of my subject in college
0 Reactions to this post
Add CommentPost a Comment